^

Probinsiya

Jeepney tumaob: driver patay; 8 pa sugatan

- Ni Christina Timbang -

CAVITE ,Philippines  —Binawian ng buhay noon din ang isang driver habang malubha namang nasugatan ang walo nitong pasahero makaraang aksidenteng tumaob ang minamaneho nitong jeepney nang tangkaing iwasan ang poste ng kur­yente sa kahabaan ng Molino Road, Bacoor, Cavite kamakalawa.

Sa ulat ni Supt. Edgar Roquero, hepe ng Bacoor Police, kinilala ang nasawi na si Leopoldo Balindan, 50-anyos, driver ng Bac­laran, Parañaque City.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pa­gamutan ang mga su­gatang biktima sina Josephine Atienza, 71; Berlito Mendoza, 65; Charisse Grace Guevarra, 26; Christine Gumata, 28; Clyde Dwight Gumara; Katrina Beatingo, 16-anyos at dalawang iba pa.

Ayon kay PO2 Edison Petalcurion, may hawak ng kaso dakong alas-6:30 ng umaga habang binabaybay ng pampasaherong jeepney (PVZ-179) ang kahabaan ng Molino Road sakay ang mga biktima ng maganap ang sakuna.

Kasalukuyang papata­wid sa crossing ng Molino Road ang jeepney nang mawalan ng preno ang jeepney na aktong sasalpok sana sa poste ng kuryente na iniwasan ng driver bunsod upang tumaob ito.

Nagawa pang lumundag ng driver pero bago pa man makatayo ay nadaganan ng bumaligtad na jeepney na siya nitong agarang ikinasawi.

vuukle comment

ATIENZA

BACOOR POLICE

BERLITO MENDOZA

CHARISSE GRACE GUEVARRA

CLYDE DWIGHT GUMARA

EDGAR ROQUERO

EDISON PETALCURION

KATRINA BEATINGO

LEOPOLDO BALINDAN

MOLINO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with