^

Probinsiya

Canadian inilibing sa kulungan ng baboy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang misteryo ng pagkawala ng isang 50-anyos na Canadian national matapos mahukay ang bangkay nito na nakalibing sa kulungan ng baboy sa Brgy. Adlaon, Cebu City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Darci Hanz Rentenberg, may pag-aaring resthouse sa lungsod na ito na ilang metro lamang ang layo mula sa piggery na kinatagpuan sa bangkay nito.

Sa ulat ng Cebu City Police, nabatid na ang nasabing Canadian ay iniulat na nawawala umpisa pa noong Hulyo 2 ng taong ito.

Naghinala naman ang mga kapitbahay nito na may milagrong nangyayari matapos na nagtayo ng piggery sa lugar si Rolando Aburot  na katiwala ng biktima, isang araw matapos na mapaulat na nawawala ang kanilang amo.

Nang hukayin kamaka­lawa ang nasabing piggery ay dito na nadiskubre ang bangkay ng dayuhan.

Samantalang iniulat rin ng misis ni Aburot  na si Marilyn na posible umanong kinidnap ang kanilang among si Ren­terberg pero nagtataka naman ang mga awtoridad dahilan matapos ireport ang insidente ay biglang naglaho ang mag-asawa na umano’y umuwi na sa Mindanao.

Nakatakda namang isailalim sa awtopsya ng mga awtoridad ang bangkay ng dayuhan upang madetermina ang sanhi ng pagkamatay nito.

vuukle comment

ABUROT

ADLAON

BRGY

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

DARCI HANZ RENTENBERG

HULYO

KINILALA

MINDANAO

ROLANDO ABUROT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with