7 sugatan sa road mishap
TAYABAS CITY, Quezon, Philippines – Pito-katao ang iniulat na nasugatan matapos na araruhin ng truck ang limang sasakyan at isang bahay sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Isabang, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng umaga. Kasalukuyang ginagamot sa Quezon Medical Center at Lucena United Doctors Hospital ang mga sugatang sina Rannie Casula, conductor ng JAC Bus Liner; Elsie Apostol, Jennelyn Romero, Rhea Nellas, Elsa Arobillo, Rodrigo Cantalio at si Alex Aragon. Ayon kay PO2 Bayani Mercado, nawalan ng preno ang 10-wheeler truck (TEW 316) ni Roderick Polintan na patungong Kabikulan mula sa Bulacan kaya sinalpok ang apat na sasakyan kabilang ang motorsiklo. Matapos araruhin ang 4-sasakyan ay sinalpok naman ang bahay sa giild ng highway na pag-aari ni Reynante Nasalino at ang kasalubong na JAC Liner na minamaneho ni Edgar Padua.
- Latest
- Trending