^

Probinsiya

Pastor itinumba sa harap ng misis

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril sa harap ng kaniyang misis ang isang Pastor ng hindi pa nakilalang salarin sa kahabaan ng Makar Highway, General Santos City kamakalawa ng gabi. Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si Oliver Marino, 33, Pastor sa Alliance Church, Promise Land na nasasakupan ng Brgy. Mabuhay ng lungsod na ito. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-7 ng gabi. Kasalukuyang kasama ng biktima ang kaniyang misis ng biglang sumulpot ang salarin at pagbabarilin ito ng malapitan. Duguang bumulagta ang Pastor at pagbasak nito sa lupa ay muling pinaputukan ng salarin saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang Pastor pero idineklara na itong dead-on-arrival ng mga manggagamot. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ALLIANCE CHURCH

BRGY

CAMP CRAME

DUGUANG

GENERAL SANTOS CITY

IDINEKLARANG

KASALUKUYAN

MAKAR HIGHWAY

OLIVER MARINO

PROMISE LAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with