^

Probinsiya

Ex-mayor tinodas sa sementeryo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakasalubong ni kamatayan ang dating alkalde ng lokal na pamahalaan ng Sulu makaraang ratratin ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan habang nasa kritikal na kondisyon naman ang isa sa mga asawa nito sa naganap na panibagong karahasan sa Zamboanga City kahapon ng umaga.

Sa text message, kinilala ni P/Supt. Edwin de Ocampo, provincial PNP director ang napaslang na si Engineer Najiv Maldisa na dating mayor sa bayan ng Maimbung.

Kasalukuyan namang nakikipaglaban kay kamatayan sa Zambonga City Medical Center si Ahiba Maldisa na sinasabing ikaapat na asawa ni Najiv.

Naganap ang pana­nambang sa mag-asawa sa tapat mismo ng public cemetery sa kahabaan ng San Roque Road bandang alas-8:15 ng umaga.

Nabatid na lulan ng service car ang mag-asawa na minamaneho ng misis ng dating alkalde nang dikitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen

Nagawa pang maisugod sa nasabing ospital ang mag-asawa pero namatay din si Najiv habang inaalis ang mga bala ng baril sa katawan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistola na ginamit sa pamamaslang.

Inihayag pa ng opisyal na isa sa mga anggulong sinisilip na motibo sa krimen ay ang alitan sa pulitika.

AHIBA MALDISA

EDWIN

ENGINEER NAJIV MALDISA

INIHAYAG

KASALUKUYAN

MAIMBUNG

NAJIV

SAN ROQUE ROAD

ZAMBOANGA CITY

ZAMBONGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with