^

Probinsiya

Bahay ng Ampatuan grinanada

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Niyanig ng dalawang magkakasunod na pagsa­bog ang bahay ng isang mu­nicipal councilor mula sa prominenteng angkan ng mga Ampatuan matapos sumambulat ang granada na inihagis  sa compound ng opisyal  sa Brgy. Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao nitong Bi­yernes.

Sa ulat ng ARMM Police, bandang alas-12:30 ng madaling-araw ng maganap ang pagsabog sa  compound ng bahay na pag-aari ni Datu Unsay Municipal Councilor Datu Pandag Ampatuan sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigas­yon, naganap ang unang pagsabog malapit sa ku­sina ni Ampatunan at ang ikalawa ay sa may bakod ng tahanan nito na ikinapinsala ng kable ng kuryente .

Bunga ng insidente ay nagkaroon ng brown-out sa Brgy. Poblacion bagaman wa­la namang naiulat na nasu­gatan sa pagpapasabog.

Sa pahayag ng mga kapitbahay nina Ampatuan, bago ang insidente ay ilang kahinahinalang kalalakihan ang nakitang gumagala sa lugar.

Nagresponde naman sa lugar ang mga elemento ng Shariff Aguak Municipal Police Station, 1st Maneuver Platoon, 1st Mechanized Al­­pha Company ng  Army’s 45th Infantry Battalion at ng Explosives and Ordnance (EOD) team at narekober ang isa pang granada na na­bigong pumutok sa may bintana ng bahay ng konsehal.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pulitika ang insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa pagpapasabog.

AMPATUAN

BRGY

DATU UNSAY MUNICIPAL COUNCILOR DATU PANDAG AMPATUAN

EXPLOSIVES AND ORDNANCE

INFANTRY BATTALION

MANEUVER PLATOON

MECHANIZED AL

SHARIFF AGUAK

SHARIFF AGUAK MUNICIPAL POLICE STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with