6 tiklo sa carnapping
BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng anim na kalalakihan na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan at karnaping matapos madakma sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa dalawang bayan sa lalawigan ng Bulacan. Pormal naman kinasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Jarvin Lorenzo, Cris Nuesca, Niño Ocampo, Peter Miranda, Frank Niel Sabaldan at si Jovany Fulgencio. Sa police report, nadakma ang apat na suspek sa bahagi ng Northville 9 sa bayan ng Calumpit, Bulacan. Samantala, naaresto naman ang dalawa sa Pulilan, Bulacan. Sa tala ang pulisya, huling biktima ng grupo ay ang drayber ang taxi UVG345) na si Constancio Julaton ng Brgy. Butucan, Sikatuna BLISS, Quezon City kung saan pinatay sa saksak saka tinangay ang sasakyan.
- Latest
- Trending