^

Probinsiya

9-anyos pinatay ng kaklase dahil sa cellphone

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa pagtangging ibigay ang kaniyang bagong cellphone, isang 9-anyos na batang babae ang nasawi makaraang pukpukin ng bato sa ulo at itapon ang bangkay sa isang kanal ng 14-anyos na batang lalaking kamag-aral nito malapit sa kanilang paaralan sa bayan ng Malungon, Sarangani, ayon sa ulat kahapon.

Base sa naantalang report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa isang tagong lugar malapit sa kanilang paaralan sa Brgy. Malalag ng bayang ito noong Huwebes ng hapon.

Ang  duguang bangkay ng biktimang kinilalang si Christine Gambo na tadtad ng mga sugat sa mukha at ulo bunga ng pagpukpok ng bato ay narekober dakong alas-9 ng gabi na nakahandusay sa kanal, mahigit apat na oras matapos na maganap ang krimen.

Isinailalim naman sa kustodya ng lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batang suspek na itinago sa pangalang Jimbo na natukoy matapos ituro ng isa nilang kamag-aral na nakasaksi sa krimen.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, sinasabing nakursunadahan ng batang suspek ang cellular phone ng kanyang classmate na si Gambo subalit tumang­gi ang batang babaeng ibigay ito.

Nabatid na matapos ang klase kinahapunan ay inabangan ng suspek sa pag-uwi ang biktima at ng hindi pa rin ibigay ang cellphone ay kumuha ito ng matulis na bato at pinagpupukpok sa ulo saka sa mukha ang biktima na nasawi sa internal hemorrhage.

Sinasabing nakausap pa ng kaniyang inang si Mari­cris na nasa Davao City ang anak bago ito paslangin kung saan ay kinabahan ang ginang ng marinig na may ibang tao sa kabilang linya kaya tinawagan nito ang asawang si Danilo at mga kapatid para hanapin ang bata. Samantalang matapos ang mahigit apat na oras na paghahanap ay natagpuan ang bangkay ng bata sa isang kanal.

vuukle comment

AYON

BRGY

CAMP CRAME

CHRISTINE GAMBO

DAHILAN

DANILO

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GAMBO

HUWEBES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with