^

Probinsiya

150 nalason sa birthday party

- Nina Dino Balabo, Boy Cruz at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nauwi sa matinding kalungkutan ang masayang birthday party makaraang malason ang 150-katao sa kinaing spaghetti sa Barangay Meysulao sa bayan ng Calumpit, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang spaghetti  na nakalason sa mga biktima  ay sinasabing niluto ni Cesar Tolentino na inihanda sa ika-2 taong kaarawan ng kanyang apo na babae.

Makalipas ang ilang oras ay dumanas ng ma­tinding pananakit ng ulo, tiyan at pagsusuka ang mga biktima kaya isinugod sa magkakahiwalay na ospital.

Anim sa nalason ay mga anak ni Snooky Serafin na tumulong sa pagluluto ng spaghetti at maging ang mga miyembro ng pamilya Tolentino ay naratay din sa ospital.

Iginiit naman nina Tolentino na hindi intensiyon ng kanilang pamilya na lasunin ang mga bisita sa birthday party.

Gayon pa man, hindi sinasadyang natapunan ng pulbos na ginamit ng clown sa party ang sauce ng spag­hetti na pinaniniwalaang nakalasong kemikal kaya sumama ang pakiramdam ng mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY MEYSULAO

BULACAN

CALUMPIT

CAMP CRAME

CESAR TOLENTINO

GAYON

IGINIIT

MAKALIPAS

SNOOKY SERAFIN

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with