^

Probinsiya

Parak, 1 pa utas sa road mishap

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Dalawa katao kabilang ang isang parak ang nasawi matapos na magbanggaan ang isang motorsiklo at kasalubong nitong tricycle sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Cabid-an, Sorsogon City kahapon ng umaga.

Kapwa hindi na umabot pa ng buhay sa St. Peter and Paul Hospital ang mga biktimang sina PO2 Joel Penaredondo 34, may asawa, nakatalaga sa Barcelona Municipal Police Station at pasahero ng tricycle na si Ernesto Doe, nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.

Samantalang ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Arnel Cervantes, driver ng tricycle; mga pasahero nitong sina Lourdes Paje at Raul Escudero, 4-taong gulang.

Batay sa ulat ng pulisya, ang aksidente ay naganap dakong alas-5 ng umaga habang ang pulis na biktima ay sakay sa kanyang motorsiklo na XRM na may plate no. EC- 9010 patungo na sa kanilang himpilan upang mag-duty ito.

Nang pagdating sa lugar ng makasalubong nito ang tricycle naman at magsal­pukan ang dalawa sa gitna ng kalsada na kung saan ang mga pasahero naman ng tricycle ay tumilapon dahil sa lakas ng banggaan. Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan. 

ARNEL CERVANTES

BARCELONA MUNICIPAL POLICE STATION

ERNESTO DOE

JOEL PENAREDONDO

LEGAZPI CITY

LOURDES PAJE

MAHARLIKA HIGHWAY

RAUL ESCUDERO

SORSOGON CITY

ST. PETER AND PAUL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with