Kahera binoga ng selosong lover
CAVITE, Philippines — Dahil sa matinding selos, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang 51-anyos na negosyante ang kanyang live-in partner matapos ang mainitang pagtatalo kahapon ng umaga sa Brgy Paliparan 3, Dasmariñas City. Idineklarang dead-on-arrival sa Metro South Hospital ang biktimang kinilalang si Ma. Melodina Sanchez, 43-anyos, cashier at residente ng Mabuhay City Subdivision, Brgy. Paliparan 3 ng lungsod na ito. Arestado naman ang suspek na nakilalang si Danilo Nocom, 51-taong gulang hiwalay sa asawa at isang negosyante sa kanilang lugar. Sa imbestigasyon ni PO2 Rez Alovera, may hawak ng kaso, bandang alas-10:30 ng umaga ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na humantong sa pamamaril ng negosyante sa biktima. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo ng bala ng cal 9 MM.
- Latest
- Trending

















