400 guro nalason sa adobong baboy
Manila, Philippines - Umaabot sa 400 guro sa hayskul ang iniulat na nalason matapos mananghalian ng adobong baboy sa bayan ng San Jose, Batangas, kamakalawa.
Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, isinilbi ng catering service ni Louie Viceral na may 20 taon na sa nasabing negosyo ang pananghaliang abodong baboy kung saan ginanap ang seminar.
Gayon pa man, matapos makapananghalian ang mga biktima ay halos magkakasunod na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka kaya napilitang isugod sa San Jose District Hospital.
Ang iba naman ay nakalabas na sa ospital matapos bigyan ng first aid na hindi naman gaanong grabe ang kalagayan kabilang na ang guro sa Ludlod High School na si Leizel Dee na 3-buwang buntis.
Patuloy namang inoobserbahan ang iba pang guro na nanatili sa mga pagamutan.
- Latest
- Trending