^

Probinsiya

4-anyos ni-rape slay ng adik

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Napaaga ang kamatayan ng isang 4-anyos na nene matapos pag­pasasaan ang murang katawan ay pinagsasaksak pa ng isang tinedyer na sinasabing lango sa bawal na droga saka itinapon sa ilog sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng 65-saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Monica Venice Velasquez habang nadakma naman ang suspek na si Michael Dela Buena, 19, tubong Angeles City, Pampanga at nakatira sa Sitio Tumana sa nabanggit na barangay

Sa ulat ni P/Supt. Elvis Diaz na nakarating kay Bulacan PNP director P/Senior Supt. Fernando Men­dez Jr., lumilitaw na na­pa­daan ang biktima sa grupo ng suspek na nag-iinuman ng alak bandang alas-7 ng gabi.

Dito na sinundan ng sus­pek ang musmos na bata saka dinagit sa madamong bahagi na may ilang metro lang ang layo sa kanyang grupo.

Hindi pa nakuntento sa ginawang kahalayan ay kinarne pa ang katawan ng biktima bago itinapon sa ilog upang pagtakpan ang krimen.

 Nadiskubre ang bangkay ng biktima matapos lumutang sa ilog kung saan naiwan pa ang short pants ng suspek sa damuhan.

vuukle comment

ANGELES CITY

BARANGAY TURO

BOCAUE

BULACAN

ELVIS DIAZ

FERNANDO MEN

MICHAEL DELA BUENA

MONICA VENICE VELASQUEZ

SENIOR SUPT

SITIO TUMANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with