^

Probinsiya

Bus nag-dive: 2 utas, 32 sugatan

- Ni Victor Martin -

SOLANO, Nueva Vizcaya Philippines  – Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang 32 iba pa ang nasagutan matapos mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na bangin sa bayan ng Nagtipunan, Quirino kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Evangeline Salac, 53; at Jesus Lianian, kapwa residente ng Quezon, Isabela habang sugatan naman sina Jessa Esteban, 8; Jessie Chavez, 8; Zaira Jane Hoggang, 10; Jayson Agsipu, 11; Jessica Agsipu, 13; Rovelyn Salas, 15; Devine Grace dela Peña, 23; at si Vilma Chavez, 63, na pawang mga residente mula sa Isabela, Aurora, Cagayan at Ifugao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang aksidente matapos mawalan ng control ang Northern Bus Lines (BVN 260) bago tuluyang mahulog sa may 10-metrong lalim na bangin sa Barangay Sangbay.

Ayon kay P/Senior Insp. Andree Camhol, Quirino police information officer, nagmula ang bus sa Aurora patungo sa Santiago City, Isabela nang masiraan ng makina na naging sanhi ng aksidente.

“The bus engine’s propeller got detached while negotiating near a bridge, causing the bus to swerve and hit a road gutter until it eventually fell into the ravine,” pahayag ni Camhol.

Dinala ang mga sugatang biktima sa Maddela District Hospital habang pinaghahanap naman ng pulisya ang driver na si Roberto Baga at conductor na si Ronald Dionicio na kapwa tumakas matapos ang trahedya. Dagdag ulat ni Joy Cantos

ANDREE CAMHOL

BARANGAY SANGBAY

DEVINE GRACE

EVANGELINE SALAC

ISABELA

JAYSON AGSIPU

JESSA ESTEBAN

JESSICA AGSIPU

JESSIE CHAVEZ

JESUS LIANIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with