^

Probinsiya

CAFGU, NPA utas sa shootout

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay kabilang ang isang CAFGU at isang miyembro ng NPA matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang may 30 miyembro ng komunistang grupo sa bayan ng Maitum, Sa­rangani kamakalawa.

Kinilala ang nasawing CAFGU na si Joel Jorillo habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng napaslang na rebelde.

Bago ito, nakatanggap ang tropa ng Army’s 73rd Infantry Battalion (IB) ng ulat hinggil sa pu­wer­sahang pagre-recruit ng mga rebelde ng mga kabataan sa liblib na lu­gar sa Barangay Tuanadatu, Maitum.

Bandang alas-8:53 ng umaga ng magresponde ang isang Scout Platoon ng mga sundalo at CAFGU sa lugar na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Tumagal ang palitan ng putok ng ilang minuto na ikinasawi ng tig-isa sa mga ito kung saan mabilis na nagsitakas ang mga rebelde.

Narekober rin sa lugar ang mga subersibong dokumento na naiwan ng mga rebelde na patuloy na tinutugis ng tropa ng pamahalaan.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY TUANADATU

DALAWA

INFANTRY BATTALION

JOEL JORILLO

KINILALA

MAITUM

NAREKOBER

SCOUT PLATOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with