Miyembro ng KFR, arestado
CAVITE, Philippines — Naaresto ng pulisya ang 1 miyembro ng Kidnap for ransom group sa Tagaytay City habang nailigtas naman ang kinidnap nito. Kinilala ni PSupt Dexter Rellora ang nailigtas na biktima na si Gabriel Amores, 33-anyos, binata at kasalukuyang residente ng BF Resort, Las, Piñas City habang agad namang naaresto ang suspek na si Kevin Creencia Salas, 20-anyos, binata habang nakatakas naman sina; Dave Prado, Regie Bael at Jun Bernard De La Cruz alias B1 at B2 pawang mga residente ng Barangay 4, Mendez, Cavite. Sa imbestigasyon ni PO3 Leonides E. Mendoza, may hawak ng kaso dakong alas-11:00 ng gabi sa Las Piñas City ng kidnapin ng mga suspek ang biktima at dalhin sa Tagaytay City gamit ang sasakyan ng biktima.
- Latest
- Trending

















