^

Probinsiya

4 mag-uutol natusta sa sunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng apat na mag-uutol na menor-de-edad makaraang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Purok 2, Barangay Panoraon, sa bayan ng Maco, Compostela Valley kamakalawa.

Nagmistulang uling ang mga katawan nina Lemyel Beliones, 9; Vinise Beliones, 8; Dave Beliones, 7; at si Dolly Beliones Jr., 4.

Ayon kay Compostela Valley Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Aaron Aquino, naganap ang trahedya dakong alas-4 ng madaling-araw.

Lumilitaw na inutusan ng ama ang isa nitong anak na lalaki na magpakulo ng tubig dahil papasok na sa trabaho bilang abantero ng minahan.

Sinasabing nakatulog ang bata sa sobrang kaantukan kung saan tumalsik ang baga mula sa kalan ang kahoy na nagtuloy sa sahig ng kanilang kubo hanggang sa magliyab at tumupok sa kanilang tahanan.

Tumagal ng hanggang alas- 5 ng umaga ang sunog kung saan kasamang naabo ang mga magkakapatid.

Nabatid na ang ama ng mga biktima ay nilayasan ng kanilang nanay dahil hindi makatagal sa hirap ng buhay kaya tanging ang magkakapatid lamang ang naiiwan sa kanilang tahanan.

AARON AQUINO

AYON

BARANGAY PANORAON

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

DAVE BELIONES

DOLLY BELIONES JR.

LEMYEL BELIONES

SENIOR SUPT

VINISE BELIONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with