^

Probinsiya

Beteranong mamamahayag pumanaw

- Dino Balabo -

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pumanaw na ang beteranong mamamaha­yag na si Jose Pavia sa UERM Hospital dahil sa lung cancer.

Naulila ni Pavia, 72, ang kanyang may-bahay na si Lolly, inang si Dahlia, mga anak na sina Jose Romulo, Jose Gerardo, Jose Antonio, Dodi, Pinky, Plock-lick, Jose Ricardo at si Joey; mga manugang at apo.

Kasalukuyang nakahimlay ang kanyang mga labi sa Arlington Chapel sa Quezon City kung saan nakatakdang ihatid sa hu­ling hantungan sa Loyola Memorial Park.

Si Pavia ay naging exe­cutive director ng Philippine Press Institute (PPI), taga-pangulo ng Freedom Fund for Filipino Journalist (FFFJ), at publisher at editor-in-chief ng Mabuhay, isang lingguhang pahayagan sa Bulacan simula pa noong 1980.

Isa rin siya sa miyembro ng November 23 Movement at ng Christians in Media na samahan ng mga Kristiyano sa larangan ng pamamahayag.

Nagsimula ang career ni Pavia bilang campus journalist sa Ateneo De Manila University kung saan hindi pa siya nakakatapos ng kolehiyo ay hinikayat ng isa pang beteranong mamamahayag na si Fred Rosario sa pagtatatag ng lokal na pahayagan sa Quezon City noong huling bahagi ng dekada 50.

Sa mga workshop ng PPI hinggil sa civic journalism, iisa ang payo ni Pavia sa mga kalahok: “Do your job extra-ordinarily well.”

ARLINGTON CHAPEL

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BULACAN

FILIPINO JOURNALIST

FRED ROSARIO

FREEDOM FUND

JOSE ANTONIO

JOSE GERARDO

JOSE PAVIA

JOSE RICARDO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with