^

Probinsiya

Pastor, bata nalunod

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang isang ‘camp retreat', matapos na malunod ang isang pastor at ang 12-anyos na batang tinangka nitong sagipin sa karagatan ng Lingayen beach sa Brgy. Maniboc, Lingayen, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Pastor Ruben Toquero  at Reden Gacutan, 12; pawang ng Religious Ministry.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagsagawa ng camp retreat sa lugar ang mga miyembro ng Religious Ministry ng mangyari ang insidente.

Nabatid sa mga nakasaksi sa pangyayari, nakita ng Pastor na nagkakawag sa tubig ang bata kasama ang 15-anyos na si Fatima Duncab bunga ng matataas na alon sa Lingayen Gulf dahilan sa matataas na alon.

Agad na sumaklolo ang Pastor na nagawang mailigtas si Duncab pero nalunod ito kasama si Gacutan; pawang narekober ang bangkay ng nagrespon­deng search and rescue team.

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

DUNCAB

FATIMA DUNCAB

GACUTAN

LINGAYEN

LINGAYEN GULF

PASTOR RUBEN TOQUERO

REDEN GACUTAN

RELIGIOUS MINISTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with