^

Probinsiya

Bocha nasamsam

- Ni Boy Cruz -

San Jose del Monte City, Bulacan ,Philippines  — Umaabot sa 1,300 kilo ng karne ng bochang baboy na karga sa dalawang sasakyan ang nasabat ng pulisya sa checkpoint kasunod ng pagkakaaresto sa isang driver sa operasyon sa lungsod na ito kamaka­lawa. Kinilala ni Supt. Fritz Macariola ng Provincial Public Safety Management ang nasakote na si Rodoldo Pascual, 56, residente ng Brgy. Muzon sa lungsod habang tumakas ang isa pa nitong kasamahang driver.  Bandang alas 2:30 ng hapon habang nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya ay biglang dumating ang dalawang sasakyang Toyota Tamaraw (CJT-392 at WRA-908) at nang siyasatin ang loob ng mga sasakyan ay tumambad sa kanila ang masangsang na amoy ng mga karneng bocha na ibinebenta sa mga palengke dito na galing sa piggery farm sa Angeles City, Pampanga. Matapos na makumpirmang bocha ay agad na ipinasunog ng Provincial Veterinary Office ang mga nasamsam na karne.

ANGELES CITY

BANDANG

BRGY

FRITZ MACARIOLA

MONTE CITY

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY MANAGEMENT

PROVINCIAL VETERINARY OFFICE

RODOLDO PASCUAL

SAN JOSE

TOYOTA TAMARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with