^

Probinsiya

Ex-vice mayor pinabulagta

-

BATANGAS, Philippines – Kamata­yan ang sumalubong sa dating bise alkalde matapos tambangan ng motorcycle-riding assassins kahapon ng umaga sa bayan ng Alitagtag, Batangas. 

Kinilala ni P/Senior Insp. Michael Encio, Alitagtag police chief ang napaslang na si Noriel Salazar, 49, ng Barangay San Jose at da­ting vice mayor ng bayan ng Alitagtag noong 2007 hanggang 2010.

Base sa tala, si Salazar ay lumahok sa mayoralty race noong 2010 elections subalit tinalo ni Mayor Tonton Andal at naging pangulo ng employees union ng Coco Chem Corporation sa bayan ng Bauan, Batangas si Salazar.

Lumilitaw na inihatid ni Salazar ang kanyang misis sa pinagtatrabahuhan nitong banko sa Poblacion East.

Papaalis na sana si Salazar sa tapat ng banko lulan ng Toyota Lite Ace van (UAT-112) nang lapitan at ratratin bandang alas-8:45 ng umaga.

Batay sa mga saksi, tumakas ang gunmen sakay ng Kawasaki motorcycle patungo sa direksyon sa Barangay Pinagkurusan junction.

Isinugod pa si Salazar sa Taal Polymedic Hospital subalit idineklarang patay bandang alas-11:40 ng umaga dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo habang patuloy naman ang imbestigasyon. Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos

vuukle comment

ALITAGTAG

ARNELL OZAETA

BARANGAY PINAGKURUSAN

BARANGAY SAN JOSE

BATANGAS

COCO CHEM CORPORATION

ED AMOROSO

JOY CANTOS

MAYOR TONTON ANDAL

MICHAEL ENCIO

SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with