^

Probinsiya

4 graduating students nilamon ng ilog

- Ni Victor Martin -

KASIBU, Nueva Vizcaya, Philippines – Apat na mag-a­aral na pawang magtatapos sa high school sa kasalukuyang buwan ang nakasalubong ni kamata­yan matapos na malunod habang nagpi-picnic sa Cagayan River sa Isabela kamakalawa.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Mary Joyce Bulan, Rey Santos, Rochie Laggui at si Joylyn Cureg, pawang mga 16-anyos at nakatakda sanang magsipagtapos sa 4th year ngayong Marso.

Sa inisyal na ulat, nabatid na ang apat ay kabilang ang 23 iba pang estudyante mula sa Santa Maria High School sa ba­yan ng Santa Maria, Isabela ay nagtungo sa kahabaan ng Cagayan River noong Martes upang mag-picnic.

Magkakasamang nali­ligo ang mga biktima nang biglang tangayin at lamunin ng malakas na alon sa ilog kung saan hindi na sila nailigtas pa ng iba pang mga kaklase.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang search and rescue team sa paghahanap sa katawan nina Laggui at Cureg kung saan ang mga katawan nina Bulan at Santos ay naunang natagpuan.

vuukle comment

APAT

CAGAYAN RIVER

ISABELA

JOYLYN CUREG

MARY JOYCE BULAN

NUEVA VIZCAYA

REY SANTOS

ROCHIE LAGGUI

SANTA MARIA

SANTA MARIA HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with