P3M ari-arian naabo
SOLANO, Nueva Vizcaya ,Philippines – Umaabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang eskwelahan sa Barangay Gosi sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. Ayon sa police report, kabilang sa tinupok ng apoy ay ang computer room at science laboratory room ng Gosi National High School sa nabanggit na barangay. Nadamay din ang power generator ng paaralan, mga yunit ng computer at mamahaling laboratory equipment. Isa sa pinaniniwalaang naging sanhi ng apoy ay faulty electrical wiring, subalit patuloy pa rin ang pagsisiyasat. Walang iniulat na nasaktan o kaya nasawi sa pagsiklab ng apoy.
- Latest
- Trending