^

Probinsiya

2 tiklo sa 2K kilong botcha

- Ni Dino Balabo at Boy Cruz -

BULACAN ,Philippines  — Kalaboso ang binagsakan ng dalawang sibilyan makaraang maaresto ng pulisya dahil sa pag-ingat ng 2,000 kilong karneng botcha noong Sabado at Linggo sa Bulacan.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Eduardo Flores ng bayan ng Marilao at Domingo Vargas ng Barangay San Pedro sa bayan ng Bustos, Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Wendy Rosario, si Flores ay naaresto sa checkpoint sa kahabaan ng Blas. F. Ople Diversion Road sa Brgy. Bulihan sa Malolos City kung saan nakumpiska ang 1,500 kilong karne ng baboy na nakalagay sa 85 kahon at walang maipakitang kaukulang papeles.

Nabatid na dadalhin sana ni Flores na lulan ng van ang mga karne sa palengke ng Hagonoy subalit naharang ng mga tauhan ni P/Supt.Baltazar Mamaril Jr.

Kasunod nito, naaresto naman si Vargas na lulan ng Hyundai van (XBZ 553) matapos maharang sa Barangay Cruz na Daan, San Rafael sa inilatag na checkpoint ng mga tauhan ni P/Supt. Fritz Macariola. Wala naman maipakitang papeles si Vargas sa nakumpiskang 600 kilong karne ng baboy na sinasa­bing botcha.

BALTAZAR MAMARIL JR.

BARANGAY CRUZ

BARANGAY SAN PEDRO

BULACAN

DOMINGO VARGAS

EDUARDO FLORES

FRITZ MACARIOLA

MALOLOS CITY

OPLE DIVERSION ROAD

SAN RAFAEL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with