^

Probinsiya

2 killer ng driver tiklo

- Ni Boy Cruz -

BULACAN  ,Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng dalawang lalaki na sinasabing mga suspek sa pagpatay sa isang trike driver makaraang maaresto ng pulisya sa Barangay Wakas sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Roban Valenzuela, 33 at Leviste Espejo, 52, kapwa nakatira sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Elvis Diaz, naaresto ang mga suspek na lulan ng motorsiklo (3111RK) sa inilatag na checkpoint.

Sa record ng pulisya, ang dalawa ay sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay kay Jesus Cartagena ng Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan. Inamin naman ni Valenzuela ang krimen dahil pinaghigantihan lamang niya si Cartagena kung saan sinasa­bing hinoldap nito si Claire Villanueva sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan noong nakalipas na taon.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang baril.

vuukle comment

BARANGAY WAKAS

BOCAUE

BRGY

BULACAN

CLAIRE VILLANUEVA

ELVIS DIAZ

JESUS CARTAGENA

LEVISTE ESPEJO

QUEZON CITY

ROBAN VALENZUELA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with