^

Probinsiya

Ambush: Liaison officer ni Gov. Vi, 1 pa dedo

-

BATANGAS, ,Philippines   –  Dalawa-katao kabilang na ang liaison officer ng provincial governor’s office, ang iniulat na napatay matapos tambangan ng mga 'di-kilalang lalaki sa Barangay Banay-Banauy sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director ang mga napaslang na sina Cesar Guce, 62, executive assistant at liaison officer on police matters at ang driver na si Randy Reyes, 34, kap­wa nakatira sa Barangay Pinagtung-ulan, San Jose, Batangas.

Nakaligtas naman sa pananambang ang kasama ng dalawa na si Caleb Andal, 17.

Nabatid na lulan ng To­yota Land Cruiser (XDV-736) ang mga biktima papuntang bayan ng Cuenca mula sa Lipa City nang ratratin ng tatlong armadong lalaki pagsapit sa JP Laurel Highway bandang alas-6:30 ng umaga.

Naisugod pa sa Mary Mediatrix Hospital sina Guce at Reyes pero na­matay din habang ginagamot sa emergency room ng ospital.

Nakarekober ng mga imbestigador ang 16-basyo ng calibre 45 pistola.

Mariin namang kinondena ni Governor Santos-Recto ang pamamaril habang patuloy naman ang imbestigasyon. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALBERTO SUPAPO

BARANGAY BANAY-BANAUY

BARANGAY PINAGTUNG

BATANGAS

CALEB ANDAL

CESAR GUCE

GOVERNOR SANTOS-RECTO

JOY CANTOS

LAND CRUISER

LIPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with