^

Probinsiya

Karambola ng 3 bus: 4 dedo, 32 grabe

- Nina Ed Casulla at Joy Cantos -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Apat-katao ang iniulat na nasawi kabilang ang 8-buwang gulang na sanggol na lalaki habang 32 iba pa ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Pawa, Matnog, Sorsogon noong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang isa sa nasawi na si Richard Libuon, 8 buwang sanggol na lulan ng Eagle Star Bus na  idineklarang patay sa Matnog Medicare Hospital at tatlong iba pang pasahero na inaalam ang pagkakakilanlan.

Sugatan naman si SPO4 Renante Tarobago ng Intelligence Group at 31 pang pasahero na pawang nai­sugod sa Sorsogon Provincial Hospital. 

Sa ulat na tinanggap ka­hapon ni P/Chief Supt. Leonardo Espina, director ng PNP Highway Patrol Group, nagbanggaan ang Eagle Star Bus (UVJ 273) ni Rodito Calungsod; PP Bus (PYT 697) ni Ronnie Sulutan Jr. at ng Philtranco Bus (PYK 873) naman ni Rodel Mercondes sa nasa­bing highway bandang alas-12:30 ng madaling-araw.

Lumilitaw na patungong Silao, Leyte ang Eagle Star bus nang nag-overtake sa sinusundang sasakyan pero sumalpok sa kasalubong na PP Bus na nasa kabilang linya at patungong Maynila.

Kasunod nito, nawalan ng kontrol sa manibela si Calungsod kung saan nahagip naman ang  Philtranco Bus ni Mercondes sa kaliwang bahagi ng highway na kasalukuyan naman nagbababa ng mga pasahero.

Kaagad na sumaklolo ang rescue team at isinugod sa ospital ang mga sugatan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BARANGAY PAWA

BUS

CHIEF SUPT

EAGLE STAR

EAGLE STAR BUS

HIGHWAY PATROL GROUP

INTELLIGENCE GROUP

LEGAZPI CITY

LEONARDO ESPINA

PHILTRANCO BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with