^

Probinsiya

Negosyante nilikida

-

BULACAN, Philippines – Napaslang ang isang 34-anyos na negosyante ng motorcycle spare parts makaraang ratratin ng dalawang ’di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Look 1 sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pitong bala ng cal. 45 pistola ang tumapos sa buhay ni Odilon Filoteo 34, ng Mother Rita Homes sa nabanggit na barangay. Si Filoteo ay nagnenegosyo ng mga spare parts ng motorsiklo na nasa loob ng kanyang bahay dahil wala itong business permit kung saan sinasabing nadiskubre ng pulisya ang ilang chop-chop na motorsiklo sa bakuran ng kanyang bahay. Base sa record ng pulisya, ang biktima ay may nakabinbing kasong robbery sa sala ni Judger Danilo Manalastas ng Regional Trial Court Branch 7. Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Wendy Rosario, lumilitaw na papasok na ng gate ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng maskaradong lalaki. Dino Balabo at Boy Cruz

BARANGAY LOOK

BOY CRUZ

DINO BALABO

JUDGER DANILO MANALASTAS

MALOLOS CITY

MOTHER RITA HOMES

ODILON FILOTEO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SENIOR SUPT

SI FILOTEO

WENDY ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with