^

Probinsiya

Jailbreak: 4 preso pumuga

- Ni Randy Datu -

ZAMBALES, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa serbisyo ang pamunuan at mga guwardiya sa Zambales Provincial Jail makaraang makatakas ang apat na preso kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat ni Provincial Warden Celesteno Malungcut, Jr., kabilang sa mga nakapuga ay sina Ener Do­landolan ng Brgy Taugtog, Botolan (kasong theft); Jessie Bulatao ng Brgy Cagmang, Cabangan (illegal possession of firearms); Lymar Canoza (robbery with homicide) ng Sta. Barbara, Iba; at si Rayzon Cruz (robbery) ng Brgy East Dirita, San Antonio, Zambales. Ayon sa deputy warden na si Emmanuel Buhisan, winasak ang pader sa loob ng palikuran ng selda saka lumabas ang mga preso sa likurang bahagi ng Department of Agrarian Reform.

May teorya ang pulisya na nakalingat ang mga guwardiya kaya naganap ang jailbreak sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-4 ng mada­ling-araw.

Inalerto na ang kapulisan sa iba’t ibang bayan at karatig pook at maging ang pamilya ng mga pugante na himuking sumuko sa lalong madaling panahon.

BRGY CAGMANG

BRGY EAST DIRITA

BRGY TAUGTOG

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

EMMANUEL BUHISAN

ENER DO

JESSIE BULATAO

LYMAR CANOZA

PROVINCIAL WARDEN CELESTENO MALUNGCUT

RAYZON CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with