^

Probinsiya

Sugalan sa burol pinagbawal

- Ni Victor Martin -

Solano, Nueva Vizcaya ,Philippines  – Inihayag ng Simbahang Katoliko sa Ifugao na hindi makakatanggap ng sakramento ang isang patay kung mapatunayang nagpapasugal ang mga kamag-anak habang nilalamayan.

Base sa pastoral policy, ito ang naging pahayag ni Rev. Father Valentine Dimoc, director ng social action center ng parish of Lagawe sa Ifugao, bilang pagsuporta ng simbahan laban sa sugal.

Subalit ayon sa ilang residente, marami ang hindi pabor sa pastoral policy dahil karamihan sa mga namamatayang pamilya ay kumukuha ng ilang gastusin sa pasu­galan at ang karamihan ay naglilibang lamang upang hindi makatulog at madamayan ang mga nagluluksang namatayan.

“Bakit naman hindi maibibigay ang tamang basbas ng simbahan sa mga patay na may nagpapasugal, kung walang nagsusugal, walang makikiramay," pahayag ni Lakay Humiding.

Subalit sinabi rin ng simbahan na maaring magpasugal pa rin ang mga namatayang pamilya subalit bilang bahagi ng kanilang pagsugpo sa sugal ay hindi naman mabibigyan ng huling sakramento ang naiburol nilang patay bago ihatid sa huling hantungan.

BAKIT

FATHER VALENTINE DIMOC

IFUGAO

INIHAYAG

LAGAWE

LAKAY HUMIDING

NUEVA VIZCAYA

SIMBAHANG KATOLIKO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with