^

Probinsiya

4 bulagta sa encounter

-

ZAMBALES, Philippines — Bumulagta ang apat-katao kabilang ang tatlong ka­sapi ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng military at komunistang grupo sa Barangay Vacon sa bayan ng Candelaria, Zambales noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz, bandang alas-8:10 ng gabi nang makasagupa ng Army’s 24th Infantry Battalion at ng 23rd Special Action Co.  ang mga rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Camatis, Brgy. Vacon.

IIang minutong tumagal ang bakbakan at mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa liblib na bahagi ng kagubatan.

Tatlong rebelde ang nagtagpuang patay habang kinilala naman ni P/Supt. Agrimero Cruz Jr., ang napatay na pulis na si PO1 Joseph Raymundo.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M16 Armalite rifles at M14 na naiwan ng mga rebelde kung saan patuloy naman ang pagtugis ng tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebelde. Randy Datu, Alex Galang At Joy Cantos

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

ALEX GALANG AT JOY CANTOS

ARMY CHIEF LT

ARTHUR ORTIZ

BARANGAY VACON

INFANTRY BATTALION

JOSEPH RAYMUNDO

RANDY DATU

REBOLUSYONARYONG HUKBONG BAYAN

SITIO CAMATIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with