Mag-utol utas sa bantay-bayan
CAVITE, Philippines – Napaslang ang mag-utol na naglalaro ng basketball makaraang pagbabarilin ng isang kasapi ng bantay-bayan Kapwa todas ang mag-utol matapos na pagbabarilin ng isang miyembro ng bantay bayan kamakalawa ng hapon sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Kinilala ni P/Senior Insp. Juan Uroga, ang mag-utol na sina Romeo Casas, 22, at Jeffrey Casas, 20, kapwa residente ng Barangay Pulido sa nasabing bayan. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Camilo Pacaanas, 42, ng B-9, #52 Pulido ext., Barangay Pulido. Lumilitaw na namagitan ang suspek sa kaguluhang nagaganap sa basketball court kung saan sangkot ang mag-utol na Casas. Napag-alamang sinuntok ng isa sa mag-utol ang suspek kaya ito umalis subalit nang bumalik ay pinagbabaril na ang dalawa.
- Latest
- Trending
















