^

Probinsiya

Binihag na nurse, laya na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -  Matapos ang 2-buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf ang kinidnap na nurse noong Lunes ng gabi sa Barangay Timbang-Timbang sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay.

Si Maria Criss Sugradiel Cuartocruz ay itinurn-over ng mga kidnaper sa kaniyang ina sa pasado alas-7 ng gabi kung saan inaalam ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Edwin de Ocampo, kung nagbayad ng ransom ang pamilya.

Nabatid na nasa maa­yos namang kalagayan si Cuartocruz matapos sumailalim sa medical check-up.

Sa tala ng pulisya, si Cuatrocruz ay kinidnap noong Disyembre 14, 2010 sa Brgy. Manicahan, Zamboanga City.

Sa nasabing insidente ay napatay ang lolo ng biktima na si Jesus Cuartocruz matapos na pagbabarilin ng mga kidnaper dahil sa pagsaklolo sa kanyang apo.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALICIA

BARANGAY TIMBANG-TIMBANG

BRGY

CUARTOCRUZ

CUATROCRUZ

JESUS CUARTOCRUZ

SENIOR SUPT

SI MARIA CRISS SUGRADIEL CUARTOCRUZ

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with