Manager ng sabungan nilikida
QUEZON ,Philippines – Napatay ang isang 48-anyos na manager ng sabungan matapos ratartin ng motorcycle-riding-gunmen sa bisinidad ng Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon, kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng tama ng bala ng M16 Armalite rifle sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan si Rolando Dimayuga, PIT manager ng LBD Sports Arena. Ayon kina PO2 German de Villa at PO2 Arthur Archivald Real, lumilitaw na pumarada ang biktima na lulan ng kanyang Honda Civic ( ZED-338 ) sa gate ng sabungan para bumili ng isda. Dito na nilapitan at niratrat ng dalawang 'di-kilalang lalaki.
- Latest
- Trending