^

Probinsiya

Bus vs van: 1 todas, 16 grabe

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Ilang oras matapos maganap ang salpukan ng motorsiklo at kotse, isa na namang sakuna ang naganap kung saan sumalpok ang pampasaherong van sa kasalubong na trak sa highway ng Barangay Tibao sa bayan ng M’Lang kahapon ng umaga.

Kaagad na nasawi si Nenita Villanueva ng Tacurong City, habang su­gatan naman ang 16 iba pa na pasahero ng Mitsubishi L300 van.

Ayon kay P/Supt. Re­i­nante delos Santos, hepe ng M’lang PNP, binabaybay ng L300 van ni Salik Baod ng Datu Paglas, Maguindanao ang highway nang biglang sumulpot ang Fuzo truck (GKU 342).

May ilang ulit na bumaliktad ang van kung saan nasa kritikal na kalagayan ang drayber na naisugod sa M’lang Doctors Hospital.

Nasa custody ngayon ng M’lang PNP ang driver ng truck na si Romulo Perez Dulana ng Valencia City, Bukidnon.   

vuukle comment

AYON

BARANGAY TIBAO

BUKIDNON

DATU PAGLAS

DOCTORS HOSPITAL

NENITA VILLANUEVA

ROMULO PEREZ DULANA

SALIK BAOD

TACURONG CITY

VALENCIA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with