Lolo kinatay sa inuman
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 60-anyos na lolo makaraang makipagtalo sa kainumang lolo rin kamakalawa ng gabi sa Barangay Ramay sa bayan ng Oas, Albay. Halos makarne ang katawan ni Nicanor Binan habang sumuko naman sa opisyal ng barangay ang suspek na si Rodrigo Raytana, 77, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang maungkat ang lupaing pinag-aagawan kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaslang.
- Latest
- Trending