3-anyos nene todas sa driver ng mayor
MANILA, Philippines - Patay ang isang 3-anyos na nene habang sugatan naman ang ina nitong balut vendor sa naganap na pamamaril ng driver ng mayor ng Maguindanao sa kahabaan ng highway ng Isulan, Sultan Kudarat noong bisperas ng Bagong Taon.
Nasawi habang ginagamot sa Sultan Kudarat Provincial si Shairmaine Calindong na nasapul sa kanang dibdib habang nasabing ospital din ang ina nitong si Nelly Calindong, 38.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Gil Meneses, director ng Police Regional Office 12, isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang suspek na si Badrudin Zailon, 39, driver ng alkalde ng bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.
Base sa imbestigasyon, bandang alas-5:26 ng hapon habang minamaneho ni Zailon ang Isuzu Fuego pick-up na pula (LDL-858) patungong kabayanan nang pagbabatuhin ng lalaking may diperensya sa pag-iisip.
Napilitang huminto si Zailon na sa sobrang galit ay agad pinagbabaril ang nambato sa kanyang sasakyan.
Gayon pa man, tinamaan ang bata na karga ng ina nito na nagtitinda ng balut.
- Latest
- Trending