^

Probinsiya

Jolo bombers nag-ala spider man

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Mistulang nag-ala spider man ang mga Jolo bombers na matapos ang mga itong umakyat sa pader at magpatalun-talon sa bubungan saka inihagis ang bomba sa bubungan ng Sacred Heart Church sa Sulu na ikinasugat ng 11 katao kabilang ang isang pari noong Pasko, ayon sa opisyal ng militar. Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, sinabi ni AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang, nakatanggap sila ng impormasyon na umakyat pa sa bubungan ang mga sangkot sa pambobomba. Ang bomba, ayon sa opisyal ay inihagis ng mga suspek dakong alas-7:15 ng umaga sa kasagsagan ng misa para sa pasko na ikinasugat ni Fr. Rick Baculcol at ng 10 pang sibilyan. Ang naturang simbahan ay nasa loob mismo ng Camp Asturias sa Jolo, Sulu. Sa kabila naman ng intelligence report na may mga grupo ng Abu Sayyaf na kinabibilangan nina Said Sali na magpapasabog sa simbahan, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na blanko pa rin ang mga awtoridad sa may kinalaman sa pagpapasabog.

ABU SAYYAF

AGRIMERO CRUZ JR.

CAMP ASTURIAS

JOLO

RANDOLPH CABANGBANG

RICK BACULCOL

SACRED HEART CHURCH

SAID SALI

SPOKESMAN CHIEF SUPT

WESTERN MINDANAO COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with