^

Probinsiya

PNP director sa Sulu sinibak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinibak na kahapon ang hepe ng Sulu Provincial Police Office matapos malusutan sa pambobomba sa chapel ng Simbahang Katoliko sa kapitolyo ng Jolo na ikinasugat ng 11-katao Noong Pasko ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Bienvenido Latag, ARMM PNP director ang pinatalsik sa puwesto na si P/Supt. Shepard Reyes, officer-in-charge ng Sulu PPO.

Ang hakbang ay upang bigyang daan ang mga imbestigador na siyasatin ang naganap na pagsabog na ikinasugat ni Fr. Rick Baculcol at sampung iba pa.

Una nang isinailalim sa imbestigasyon ang idineploy na tropa ng Philippine Marines at PNP–Special Action Force dahil sa kapabayaan sa seguridad bunga ng insidente.

Ang pambobomba  ay naganap sa kabila ng intelligence report hinggil sa banta ng pagpapasabog ng grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf kaya idineploy sa lugar ang security forces pero nalusutan ang mga ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat, mga bandidadong Abu Sayyaf ang naghagis ng bomba sa bubungan ng Sacred Hearth Chapel sa kasagsagan ng misa.

ABU SAYYAF

BIENVENIDO LATAG

CHIEF SUPT

NOONG PASKO

PHILIPPINE MARINES

RICK BACULCOL

SACRED HEARTH CHAPEL

SHEPARD REYES

SIMBAHANG KATOLIKO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with