^

Probinsiya

Ama, 3 anak minasaker

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Kamatayan ang sumalubong sa isang ama at tatlong anak nito makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan habang natutulog sa kanilang tahanan sa Barangay Panubigan, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. Edwin de Ocampo, Zamboanga police director, ang mag-aama na sina Akmadol Marahadol, 50, biyudo; mga anak nitong sina Radzma, 14; Tong, 10; at Iyong, 25.

Masuwerte namang nakaligtas ang 2-anyos na apo ni Akmadol na kinilalang si Baby Aiza, anak ni Iyong.

Sinabi ni de Ocampo na kasalukuyang natutulog ang mag-aama nang maganap ang pamamarail dakong alas-11 ng gabi.

Bago tuluyang nagsitakas ay sinunog pa ng gunmen ang bahagi ng tahanan ng pamilya Marahadol.

Ayon kay de Ocampo, pawang tadtad ng mga tama ng bala ang katawan ng mga biktima ha­bang halos kalahati ng katawan ng matandang Akmadol ay nasunog.

Narekober naman sa crime scene ang mga bas­yo ng bala ng cal.45 pistol, M14 Armalite rifle, Garand 30 at 12 gauge shot gun.

Pinaniniwalaang rido o alitan ng angkan ang sinisilip na motibo sa ma­lagim na krimen dahil ang pamilya Marahadol ay tubong Taguisian, Olutanga Island sa Zamboanga, Sibugay bago lumipat sa nabanggit na lugar.

AKMADOL

AKMADOL MARAHADOL

BABY AIZA

BARANGAY PANUBIGAN

IYONG

MARAHADOL

OCAMPO

OLUTANGA ISLAND

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with