^

Probinsiya

Pamilya niratrat: 2 todas, 3 pa grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang kumpirmadong napatay habang tatlong iba pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Impasug-ong, Bukidnon noong Martes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Jimmy Richa, at Randy Armohallas habang sugatan naman sina Linda Richa, Joahara Richa at Analisa Ibe.

Samantala, isa naman sa mga suspek ay tinukoy ng mga survivor na si Kris Bagna ng Brgy. Lumbo, Valencia City.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Nerio Bermudo, Bukidnon police director, bandang alas-5:45 ng hapon nang makasalubong ni kamatayan ang mga biktima sa Sitio Luagmanon, Barangay Lumbo.

Sa pag-aakalang na­patay ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong alitan sa lupa ang isa sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

ANALISA IBE

BARANGAY LUMBO

BUKIDNON

JIMMY RICHA

JOAHARA RICHA

KRIS BAGNA

LINDA RICHA

NERIO BERMUDO

RANDY ARMOHALLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with