^

Probinsiya

5 kidnaper kulong habambuhay

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Limang kalalakihan na napatuna­yan ng mababang korte na responsable sa pagkidnap sa tatlong sibilyan noong September 1, 2001 ang hi­natulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Sa 15-pahinang desis­yon ni Judge Basilio Gabo Jr. ng Malolos City Regional Trial Court Branch 11, bukod sa habambuhayna pagkakulong ay pinagbabayad din ng P2.5 milyong danyos perwisyo ang mga akusadong sina Antonino Adriano,Wifredo Flores, Reynaldo Villesis, Gerardo Bautista, at si Nilo Solis na pawang nakatira sa bayan ng San Rafael, Bulacan. 

Pinawalang sala naman si Gary Bautista dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Base sa record ng korte, dinukot ng mga akusado sina Jessica Co-Ang, kapatid nitong si Jansen Co at trabahador na si Eusebio Cawili habang lulan ng Toyota Revo noong Set­yembre 1, 2001 ng gabi sa bahagi ng Sitio Gitna, Novaliches, Quezon City saka dinala sa safe house sa Brgy. Sto. Cristo, Candaba, Pampanga.

Nabatid sa record na humihingi ng ransom ang mga akusado ng P10 mil­yon kung saan bumaba sa P2.5 milyon para mapalaya ang tatlo.

Dahil sa testimonya ng isa sa suspek na si Alvin Tura na ginawang state witness ay nasakote ng mga awtoridad ang mga suspek sa iba’t ibang lugar sa bayan ng San Rafael, Bulacan.

Hindi naman pinaniwalaan ng hukuman ang alibi ng lima bagkus binigyang timbang ang testimonya ng mga biktima.

ALVIN TURA

ANTONINO ADRIANO

BULACAN

EUSEBIO CAWILI

GARY BAUTISTA

GERARDO BAUTISTA

JANSEN CO

JESSICA CO-ANG

JUDGE BASILIO GABO JR.

SAN RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with