^

Probinsiya

P11M plantasyon sinabotahe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P11 milyong halaga ng ari-arian ang na­pinsala matapos isabotahe ng mga rebeldeng New People’s Army ang plantasyon ng saging sa mga Sitio Saguina at Kabalawan sa bayan ng Tago, Surigao del Sur kamakalawa. Ayon sa ulat, nilusob ng mga armadong rebelde ang plantasyon ng Dole Philippines kung saan walang habas na pinagtatagpas ang 22,000 puno ng saging na karamihan ay mamumunga na. Gayon pa man, matapos ipagbigay-alam ni Chairman Pedro Olvis ng Brgy. Anahaw Daan kaagad naman rumesponde ang.mga tauhan ng 23rd Infantry Battalion sa pamumuno ni Sgt. Eddie Hiran at mga tauhan ng Special Cafgu Active Auxiliary (SCAA) na nakasagupa pa ang mga rebelde habang papatakas. Lumilitaw sa inisyal na ulat na pa­ngingikil ang isa sa motibo ng insidente.

ANAHAW DAAN

AYON

BRGY

CHAIRMAN PEDRO OLVIS

DOLE PHILIPPINES

EDDIE HIRAN

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

SITIO SAGUINA

SPECIAL CAFGU ACTIVE AUXILIARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with