^

Probinsiya

Pang-ekonomiya sa Envi Code

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Naniniwala si Mindanao State University pro­fessor Atty. Ramon Jamer­lan na ang wastong solus­yon sa isyu ng Environment Code (Envi Code) ng South Co­ta­bato ay dapat pang-eko­nomiya at hindi pampulitika.

“Malaking sagabal ang pagbabawal sa open pit mining sa Envi Code dahil ang mga paraang pinapayagan tulad ng pagbutas ng mga tunnel ay maaaring makapinsala sa publiko o pribadong estruktura,” pahayag pa ni Atty. Jamerlan, tagapagtanggol sa karapatan ng mga katutubo sa bayan ng T’boli.

Nadismaya naman ang Tribal Mining Corporation (TMC) na may nakabinbing aplikasyon sa pagmimina sa South Cotabato dahil ang Envi Code ay nakapipinsala sa industriya ng pagmimina.

May panukala ang TMC na magpaunlad ng  medium scale copper gold mining project sa T’boli na kalapit bayan ng  Tampakan kung saan aabot sa US$5.9-bilyong copper gold project ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) sa pamamagitan ng financial and technical assistance agreement (FTAA) sa bansa.

Ang Tampakan pro­ject ang itinuturing na pinaka­malaking pamumuhunan sa bansa na kapag nagsimula ang konstruksiyon sa 2016 ay magbibigay ng trabaho sa 10,000 katao at 2,000 trabaho naman kapag mayroong operasyon.

 “It threatens the future of multi-million peso investments, a huge loss to government and the host communities as well,” ayon sa opisyal ng TMC na si  Doby Bansil.

 “Right now, at this stage, 80 to 85 percent of our work force comes from the host communities. Our education, health and downstream livelihood programs will suffer if the Code is implemented.”

ANG TAMPAKAN

DOBY BANSIL

ENVI CODE

ENVIRONMENT CODE

MINDANAO STATE UNIVERSITY

RAMON JAMER

SAGITTARIUS MINES

SHY

SOUTH CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with