^

Probinsiya

Mister kinatay, inembalsamo ni misis

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagmistulang mummy ang isang mister makaraang paslangin ay enimbalsamo saka inilibing mismo sa ilalim ng kanilang bahay ng kaniyang misis sa Purok 4, Barangay Anonang sa bayan ng Midsayap, North Cotabato noong Martes.

Sa phone interview, sinabi ni P/Chief Inspector Eldy Magbanua, si Restituto Lumay, 48, ay iniulat na nawawala simula pa noong Agosto habang nag­layas naman ang suspek na kanyang misis na si Rosela dela Serna matapos abandonahin ang kanilang 7-anyos na anak sa mga kamag-anak.

Nadiskubre ang brutal na krimen matapos ituro ng 7-anyos na anak na lalaki ng mag-asawa ang pinaglibingan sa ama sa ilalim mismo ng kanilang tahanan.

Inusisa ng mga tiyuhin na kapatid ng biktima ang batang lalaki na bakas pa sa mukha ang matinding takot kung nasaan ang kanyang ama hanggang sa mapilitan itong ituro.

Nabatid na ilang buwan ring umiiyak ang bata na nasa silong ng kanilang bahay at hinihimas ang lupa na pinaglibingan sa ama.

Nang hukayin ng pulisya ay nadiskubre ang katawan ng biktima na nakabaluktot pa sa mababaw na hukay.

 “Parang mummy na tumigas ‘yung body hindi pa naagnas, baka may inilagay o kaya may alam sa pag-eembalsamo ‘yung suspek,” pahayag ni Magbanua.

Nagtamo ng taga sa leeg at paa ang biktima na ayon rin sa pahayag ng paslit ay ang kaniyang ina ang may kagagawan.

vuukle comment

AGOSTO

BARANGAY ANONANG

CHIEF INSPECTOR ELDY MAGBANUA

INUSISA

MAGBANUA

MIDSAYAP

NABATID

NADISKUBRE

NORTH COTABATO

RESTITUTO LUMAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with