^

Probinsiya

DepEd coordinator itinumba

- Ni Malu Cadelina Manar -
KIDAPAWAN CITY, Philippines

 — Pinaniniwalaang may kaugnayan sa nakalipas na barangay at SK polls ang pamamaslang sa isang DepEd district coordinator sa Barangay Karaan sa bayan ng Palembang, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi. Ayon sa police report, nasa loob ng kanyang bahay si Marilyn Tacbil nang pagbabarilin ng mga ‘di pa kilalang lalaki. Walong basyo ng caliber 45 pistol ang narekober ng pulisya sa crime scene. Kagagaling lang ng 51-anyos na biktima sa munisipyo ng Palembang para kumuha ng damit sa gaganaping DepEd Night noong Miyerkules bilang bahagi ng pagdiriwang ng foundation anniversary ng bayan, nang makasalubong si kamatayan. Si Tacbil ay coordinator ng Alternative Learning System sa bayan ng Palembang na nagsilbi bilang chairman ng Board of Election Tellers noong October 25 elections.   

vuukle comment

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

AYON

BARANGAY KARAAN

BOARD OF ELECTION TELLERS

KAGAGALING

MARILYN TACBIL

MIYERKULES

PALEMBANG

PINANINIWALAANG

SI TACBIL

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with