^

Probinsiya

Mag-ama, apo kinatay na nilitson pa

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ama at apong babae makaraang pagtatagain saka nilitson ng sariling kamag-anak na may diperensya sa pag-iisip sa loob ng kanilang bahay sa Purok 8, Barangay Tungko Manga sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Halos matusta at magkaputul-putol ang katawan nina Arturo Relano Sr., 56, Jennifer Relano, 30, ex-OFW sa Japan, asawa ng pulis-Calamba, Laguna at anak nitong apat na buwang gulang na si Kailyn Aki Villa­nueva.

Naaresto naman ang suspek na si Allan Relano, 25, ng Purok 8, Carmel Farms sa nabanggit na barangay.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Freddie Ferrer, naalimpu­ngatan ang isa pang ka­mag-anak ng mag-ama na si Arturo Relano Jr. na nakatira sa katabing bahay dahil sa pagkawala ng kuryente sa kanilang lugar.

Agad na dumungaw sa bintana si Arturo Jr. kung saan namataan nitong nasusunog na ang bahay ng mag-ama kaya kaagad naman rumesponde para sumaklolo.

Dito bumungad ang du­guang mga katawan ng tatlo malapit sa pintuan ng bahay na natupok ng apoy.

May palatandaan pinagtataga bago binuhusan ng gasolina ang mga biktima saka sinilaban sa loob mismo ng kanilang bahay.

Narekober nina PO2 Chris Vicente at PO1 Carlo Leal ang ginamit na palakol sa pamamaslang at plastic container ng gasoline sa likurang bahagi ng bahay habang aabot sa P.2 mil­yong ari-arian ang naabo.

vuukle comment

ALLAN RELANO

ARTURO JR.

ARTURO RELANO JR.

ARTURO RELANO SR.

BARANGAY TUNGKO MANGA

CARLO LEAL

CARMEL FARMS

CHRIS VICENTE

FREDDIE FERRER

JENNIFER RELANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with