Barangay council bet itinumba
DAVAO CITY, Philippines – Binaril at napatay ang isang kandidato sa pagka-barangay councilor noong Lunes ng gabi sa Brgy. Indangan sa Buhangin District, Davao City. Kinilala ang napaslang na Si Ariel Tolibas, 41, ng Kilometro 12, Blissful Family Village. Lumilitaw sa imbetigasyon, nagpapahinga ang biktima sa harap ng tindahan matapos ang campaign sortie nang lapitan at barilin ng ’di-kilalang lalaki. Hindi naman madetermina ng pulisya kung may bahid-politika dahil marami ang kumakandidato bilang konsehal. May teorya ang pulisya na personal na alitan ang motibo ng pamamaslang. Phil. Star News Service
- Latest
- Trending