Ina, 4 anak nilamon ng putik
MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang 37-anyos na ina na nagdiriwang ng kanyang kaarawan at apat nitong anak makaraang matabunan ng putik mula sa gumuhong lupa sa kabundukan sa Barangay Luplangan, Sumilao, Bukidnon kamakalawa.
Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, kabilang sa mga nasawi ang inang si Pilar Lindongan, 37; mga anak na Floriano, 11; Aileen, 7; Balado, 4; at si Jema, 2.
Bandang alas-4 ng hapon nang humupa ang malakas na ulan at kasunod nito ay ang pagguho ng lupa na tumabon sa bahay ng mga biktima na nasa paanan ng Mt. Kitanlad.
Nabigo namang saklolohan ang mag-iina ng kanilang mga kapitbahay.
Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng mga lokal na opisyal ang mga residenteng naninirahan sa paanan ng nabanggit na kabundukan upang maiwasan ang kapahamakan.
- Latest
- Trending