2 rapist habambuhay kulong
CAUAYAN CITY, Isabela, Philippines – Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng mababang korte laban sa dalawang ama matapos mapatunayang guilty sa kasong panghahalay sa kani-kanilang anak. Bukod sa habambuhay na kulong, pinagbabayad ni RTC Executive Judge Raul V. Babaran ang mga akusadong sina Marcelo Sotto ng Brgy. Burgos, sa bayan ng Alicia, Isabela at Rogelio Escobar Bulisa ng Angadanan, Isabela ng halagang P125,000 bilang danyos perwisyo sa mga biktima na may edad na 14 at 16-anyos. Naniniwala ang hukuman na ang kaso ng dalawang ama ay magsisilbing-aral sa iba pang haligi ng tahanan na sa halip na sila ang taga-pagtanggol ng sariling pamilya ay sila mismo ang nagsasamantala sa sariling anak.Victor Martin
- Latest
- Trending